Sa mga ganitong pagkakataon, ang daling sabihin, “’Yan ang karma mo, Lorraine Badoy.”
Pero hindi karma kundi pawis at dugo at matiyagang paghihintay ang ipinuhunan ng mga abogado, journalists, at civil society upang maipanalo ang game-changing na kaso ng red-tagging laban kay Lorraine Badoy at kapwa host nito sa SMNI na si Jeffrey Celiz.
Tinatawag na game changer and desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 306 dahil ito ang unang paggamit sa isang civil case...