Naglalakad ako sa Quezon Boulevard, sa Quiapo, Maynila, eksaktong 41 na taon na ngayon ang nakararaan, nang paulit-ulit kong maulinigan sa halos lahat ng taong aking makasalubong at maraanan na nag-uusap na mga vendor sa bangketa — patay na si “Ninoy.”
Nobatos na police reporter pa lamang ako noon — walang hilig sa takbo ng pulitika sa bansa — kaya hindi agad bumaon sa utak ko kung gaano kahalaga sa kasalukuyang kalagayan ng bansa ang pagkamatay ni “Ninoy.”
Sa sobrang babaw ng alam ko sa kuwentong pampulitika...